UP Centennial Survey… Sali Rin Ako

January 20, 2008

1. Student number?
– 2002-19107

2. College?
– UP College of Mass Communication

3. Course?
– BA Film and Audio Visual Communication

4. Nag-shift ka ba o na-kickout?
– Nag-shift from Broad Comm

5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
– Sa Math Bldg. sa Diliman

6. Favorite GE subject?
– Probably… lahat ng may Geology — NatSci2, Geol11 (di ko maalala kung 11, 01 or 10.. haha), Geog10 (10 nga ba?)… tsaka MuL9

7. Favorite PE?
– Tenpin Bowling

8. Saan ka nag-aabang ng hot girl sa UP?
– ‘Di kasi ako ‘yung tipong nag-aabang e… pero a good place would probably be AS or… Econ!

9. Favorite prof(s)
– Sir Nick Tiongson (Film171), Verne dela Pena (MuL9), Joey Reyes (Film121), Lyle Sacris (Film163)

10. Pinaka-ayaw na GE subject.
– Eng01… kasi panget ng prof ko.

11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
– Kailangan eh, mostly Wednesdays… pero as much as possible I tried not to. Only Sat class I had was Comm120 ni Jorda.

12. Nakapag-field trip ka ba?
– Yeah… mga thrice siguro. The most memorable was the one for Geog class… si sir Pataray!

13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
– Never US… 😦 Pero CS, many times!

14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?
– UP Cinema! tapos UP Broadcaster’s Guild

15. Saan ka tumatambay palagi?
– First year sa AS Lobby… tapos nung MassComm na, sa CMC Lobby nung BroadGuild days… tapos sa Film Lobby. Wala na kong maalalang iba.

16. Dorm, Boarding house, o Bahay?
– Bahay… sa Muntinlupa. Mula 1st year hanggang matapos.

17. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun (Given ang mentality mo nung HS ka)?
– Well… gusto ko talaga Film. Pero kung tipong nagpaka-academic ako… baka Physics or ECE.

18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
– ‘Yung tumatak sa kin, si Pamela Corazon Condeno…

19. First play na napanood mo sa UP?
– Nakalimutan ko na eh… the Miguel something something Project… that was for Comm120 (Law in Mass Comm) believe it or not. And I loved it.

20. Name the 5 most conyo orgs in UP
– Econ and BA orgs for sure. Magtataka ka pa ba?

21. Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
– Walang joke… UP Cinema is probably the coolest and bestest. Haha. UP Broad Guild would be a close second. 😀

22. May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
– Haha. Mantakin mong meron. Pero sa kadahilanang kaibigan ko ay parte nun. Ayun… ewan.

23. Saan ka madalas mag-lunch?
– Purple House (or Yellow ba yun) ‘nung buhay pa yun, CASAA, Lutong Kapitbahay at Gloria’s!

24. Masaya ba sa UP?
– Nyay… tinatanong pa ba yan. Pinakamasaya sa UP!

25. Nakasama ka na ba sa rally?
– Di pa… talagang ayoko.

26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council
– 3 times! Aanga-anga ko nung 1st year eh.

27. Name at least 5 leftist groups in UP
– Stand UP! Tapos… ‘yung iba… umm… leftist ba ang Kule? Hehe.

28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
– OO! AS IN! Natupad naman. 🙂

29. Kanino ka pinaka-patay sa UP?
– ‘Yung hindi ko kilala… isang girl na maikli ang buhok, as in super short na lagi naming nakakasalubong ni Tonet sa kalye sa likod ng AS kasama ang boyfriend niyang kalbo.

30. Kung di ka UP, anong school ka?
– Wala kong ibang pangarap kundi UP. Pero kung di ako nakapasa, malamang UST dahil dun lang ako nag-exam besides UP… pang-safety net baga? Nyay! Hehe. OR baka PATTS? Why not…

Advertisements